Interview with "the" Nemenzo
haha! imagine, na-survey interview namin si nemenzo, UP ex-prez, at PRE-TEST pa lang kami nun ha!
ganito kasi 'yun. nag-pe-pre-test kami ni nina, my thesis partner, sa may pook dagohoy. e di na kami familiar s dulo nung place, so pumunta kami sa may likod ng Church of the Risen Lord. E di hanap kami ng respondents... first stop namin is #51 Mabini St.. Kulit nga namin sa bahay na 'yun e, parang walang tao, pero paniwala namin, meron, kasi nakabukas ilaw sa loob.
kaya nung may lumabas, kahit yung maid lang, we seized the chance to survey interview her. Ganito naging usapan namin:
MAID: ano po yun?
ME (assuming commres voice:malapot sa tamis na may hint ng pakikiusap): magpapa-survey lang po sana kami, tungkol po sa computer and Internet use...
MAID: Ay, di ko alam yan, pasensya na sa iba na lang...
ME: Hindi, ok lang, pwede kang maging respondent namin...
MAID: Ganon ba? O sige... tanungin ko muna bossing ko...
ME: (Humirit pa) Baka pwede isama mo na rin ung "bossing" mo...?
MAID: O sige, sandali lang ha...
(after 15-20 minutes...(tagal 'no? feeling ko sinarhan kami, hoping ung may-ari na mag-give-up na kami... but no, determinado kami, and so we stayed and called again: "Ate!" "Ate!" "Tao po!" "Tao po!"))biglang bumukas ang pintuan.....at....LUMABAS SI NEMENZO!!!
NEMENZO: what is the survey all about? (or something like that)
ME: (thunderstruck, starstruck) ah, sir, may survey lang po kami, about computer and Internet use. We're from masscomm, blah blah blah....sir you can have a copy of our survey if you...
NEMENZO: No, just read it to me, my eyes are bad, and I just came from the hospital.
ME: (sabay tingin at bulong kay Nina) ikaw na....Umupo si nina with Nemenzo.
NINA: Ah, sir, ano pong name nila?
NEMENZO: Francisco Nemenzo.
SHIT! Di kilala ni Nina si Nemenzo!?!? Ohy my gulay!
Humirit pa nga si Nemenzo ng, "You do know me, right?" dahil baka siya nakapansin na bakit walang idea si Nina sa kanya habang fini-fill-up-an nya yung personal info sheet ni Nemenzo.
Hehe! Enjoy talaga incident na yun! Imagine, house to house survey lang, na-tiyempuhan pa namin si Nemenzo! Naglolokohan nga kami ni Nina e, yung survey form na lang daw ni Nemenzo gawin naming basis sa pre-test report namin. Hehe.
Anyway, enjoy naman ang survey pre-test day namin. Maraming adventures: nakakairitang respondent, bibong respondent, potential respondents na hanggang potential lamang dahil ayaw magpa-survey, at shemps, and mga matitinong respondents, hehe (yes, they do exist, commres pips).
Nga pala, got a bargain today at SC. Bought an almost-new Donna Tartt novel worth half its original price. Yey!
And, oh, just watched My Sassy Girl (finally). Mas gusto ko pa rin Windstruck. Iba nga siguro effect kapag unang pinanood Sassy kesa Windstruck. Oh well.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home