Tuesday, June 27

Konyo v. Bakya

Konyo Client: Ah, Chin, follow-up ko lang yung pina-pa-check ko sa'yong tables...
Bakya Me: (totally unprepared, di pa na-che-check ang tables) Ah... eh... nakapila na kay Ate Programmer. 'Wag kang mag-alala, pinagtutuunan naman namin ng pansin e....
Konyo Client: (tumawa bigla) HAHAHAHA!
Bakya Me: O bakit?
Konyo Client: Haha wala lang, nakakatawa, Tagalog na Tagalog, "pinagtutuunan naman namin ng pansin!"
Bakya Me: Ahhhh......

(After 2 hours...)

Bakya Me: Follow-up ko pala yung list of categories for table so-and-so...
Konyo Client: Ah, onga pala. Wait.
(Kaluskos ng papers. May nahulog.)
Konyo Client: Holy cow!
Bakya Me: (tumawa bigla) HAHAHAHA!
Konyo Client: O bakit?
Bakya Me: Holy cow?!?
Konyo Client: Ah, gumaganti ka ha, ako naman pinagtatawanan mo....

Seriously, may gumagamit pa ba ng expression na holy cow??? Sa "Pretty Woman" ko lang huling narinig yun a. Hehe.

2 Comments:

At 8:07 AM , Blogger milagrosa said...

baka naimpluwensiyahan siya nung lipton green iced tea (tama ba?) ad: "holy baloney! holy guacamole! (and so on)..." hehe. pero true, di ko nga alam na lumabas yun sa rpetty woman eh. feeling ko nabasa ko lang yang expression sa archie comics hehehe.

at hindi ka bakya noh, alam mo lang gamitin ang mayaman at makulay nating wika. ;)

 
At 3:57 AM , Anonymous Anonymous said...

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home