Respondents: A Typology (Part 1)
Sa halos isang linggo ng paglalamay ng panahon upang makapag-survey sa kasuluk-sulukan ng Metro Manila, heto at inaalay ko sa inyo ang isang Survey Special hango sa aking karanasan sa "field" (naks!).
Nahahati ang mga survey respondents sa limang klase: mga BIBO, PASAWAY, PANDAGDAG, MASIPAG, at GOLDEN respondents.
BIBO- from the word itself, ang mga respondents na ito ay mahilig magmagaling at mang-irita ng mga field researchers o survey assistant.
e.g. Sa may Bgy. Ramon Magsaysay sa Munoz, may Bibong Respondent na ipinagpilitang mali ang sentence construction namin. Dapat daw yung statement ay naka-phrase ng "Is it" instead of "It is." Statement nga e, kaya "It is" ang phrasing namin. Kung question pa yun, pwede pang "Is it." Tanga. Buti na lang nag-co-computer and Internet siya, kung hindi, baka nakutusan ko na siya sa inis ko.
Isa pa: e.g.: Si Nick Cervantes na-interview ko sa Bgy. Hagdan Bato, Mandaluyong. Ang hilig mag-singit ng kanyang career achievement, kesyo "I've been using the computer and Internet 30 years before you learned how to use them." Or, "What kind of statement is that?" sabay ngisi sa'min. Hay naku, pwede ba, tigilan niya ko, kahit na-recognize ko name niya, I won't give him the satisfaction that I know him noh!
Ang mga BIBONG respondents kasi, ok sana ma-survey interview, kaso they are wasting our time arguing or trying to argue with us by criticizing instead of cooperating with our survey. Gaya nga ng sabi ko, kung ayaw nyo, wag nyo!
PASAWAY- eto yung tipong ayaw mag-isip na respondent. Fine, pinagbigyan niyo kami na ma-survey kayo, pero wag naman kayo maba-blanko habang sinasayang naming ang aming laway sa kababasa ng survey form para sa inyo. Pag sinabing Agree, Not sure, o Disagree ang choices, Agree, Not sure, o Disagree lang isasagot. Walang labis, walang kulang.
e.g. Habang nagsu-survey ng isang pasaway na respondent sa QC:
AKO: (Reading an attitude statement) Walang pagkakaiba ang lalaki at babae sa...
PASAWAY: (Staring ahead sa kawalan)
AKO: ....kayo po ba ay sang-ayon, di-sang-ayon, o di sigurado?
PASAWAY: (Malilingat sa kanyang daydream) Huh? Ano uli sabi mo? (Ngingiti) Pakiulit?
AKO: (Uulit naman) Walang pagkakaiba...
PASAWAY: Ay, ewan ko, hindi ata ako sigurado...Ay, sang-ayon pala ako.... Ay...
Grrrrrrrrrrrrrrrrrrr.
ABANGAN: Respondents: A Typology (Part 2)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home