Monday, February 7

Mania

Thesis
Ano pa nga ba? For 3 weeks straight, wala na akong bukambibig kundi, "musta thesis nyo?" or, "nasa analysis na ba kayo? kami nasa data gathering pa lang e..." Gaya nga ng sabi ni jeg, nakalimutan ko na rin kung ano itsura ng TV. Di ko na alam ang mga usong kanta sa radyo, maliban sa "basketbol" (?) ng hotbabes na laging pinapatugtog sa mga Japayuki bus (yes, Jeg, Gwyn, and Mel, JAPAYUKI bus and tawag sa mga 'yun, hehe) na sinasakyan ko. Mga dyaryong binabasa ko, one day old na, parang balut. Ang latest issue na alam ko e 'yung tungkol lang sa MMDA at book tax. Di ko na rin alam kung ano na nangyayari sa bahay, kung may damit na ba sa prom mga sis ko o wala pa. Nami-miss ko na rin luto ni Mama, although mas masarap pa rin magluto si Manang Norms dito sa boarding haus (wink wink). At eto pa...wala na kaming picture-an moments ng CROI and CRes pips! Waaaaahhhh! Imagine, january pa ang last entry ko sa aking album...so sad....

Pastillas
Sabi ko na nga e, agenda ng CMC canteen na patabain at palalain ang adiksyon ko. Matapos kong ma-adik sa kanilang mala-pyramid nilang yema, heto at naloloka na kami ni jeg sa mala- Nido (yes, Nido, as in yung gatas) na lasa ng kanilang Pastillas. Take note, di pangkaraniwan ang pastillas na ito: para siyang barquillos sa taba at laki, mas mahal pa ata sa barquillos (Php 6 kada isa!), at higit sa lahat, madaling maubos. Kaya ubos din pera ko sa pastillas lamang. Hay.

Books!
Yes, with an (!). It is an understatement if you say that I love books: I breathe, eat, live, fart, and excrete books. Especially novels by T. C. Boyle, J. C. Oates, Stephen King, and other short lit reads. I also dig sociology and psych books, kahit ano topic. Maloka na'ko sa thesis, di ko pa rin nalilimutang bumili ng books kahit saan.... yesterday nga, I bought "The Bell Curve" sa Diplomat sa may P. Tuazon sa Proj. 4 while looking for an informant's house, imagine. My other recent book finds are:

The Little Friend by Donna Tartt- Php 245
The Road to Wellville by T. C. Boyle- 120
I'll take you there by J. C. Oates- 180
The Bell Curve by Herrnstein & Murray- 150
Sigmund Freud collected papers- tumataginting na 45!!!
Tattooed Girl by J. C. Oates- 180

Nauubos agad baon ko kabibili ng mga books na yan.... pero ano magagawa ko??? I'm hopelessly attached to National Bookstore, Powerbooks, second-hand bookstores, saan man ako pumunta...hence, lagi akong napapabili ng mga librong hanggang ngayon ay di ko pa rin nababasa dahil sa panggulong acads na 'yan... (hehe).

Shopping & slimming
Ah, related itong dalawang ito, kasi everytime I shop for clothes on sale, lagi na lang akong nafru-frustrate dahil nga sobrang dami kong tABS. Yes, tABS, as in six-pack-like na taba, hehe. Kaya after kong bumili na naman ng damit, lagi kong sasabihin sa sarili ko, "o sige, magpapapayat na talaga ako. promise." Tapos, kinabukasan, pag nasa CMC uli ako, bibili na naman ako ng pastillas, tapos kakain ng paborito kong Mr Chips with coke sa film center habang nanonood ng Before Sunrise and Before Sunset. So much for my promise.
(Footnote: Pero promise namin ni Meler na after the passing of our first draft, magja-jogging kami sa acad oval starting feb14. O dava, bongga, pagtakbo bilang protesta sa komersalisasyon ng V-day!!!)

Lovelife
Tigang. Di na dapat pinag-uusapan ito, maliban nga lang kapag nagse-senti si Rye, o di kaya starry-eyed na nagkwekwento si jeg about rib, o di kaya ay mala-telenovela na naman ang buhay ni gwyn. Ok lang, di pa naman umaabot sa point na magiging issue sa'kin ang love. Wala lang, nabanggit ko lang kasi feeling ko imperative na banggitin ko ang love, baka isipin ng iba diyan e 'heartless' ako.

Money
Major problem ito. It seems I'm running out of money all the time. Pagkabigay ng baon, ubos agad. Ewan ba. Kaya eto, kailangan ko na uli kumayod para mabawi ko naman yung mga gastos ko starting 2005. Hay.

OK na yan. Next time na lang uli iba pang kwento. Marami pa'ko kwento about our thesis, pero siguro after feb.14 na lang. In the meantime, maglalaba muna ako, tambak na labahan ko e. (Naku, naubusan na rin ata ako ng sabon & downey....)




The Maniac

2 Comments:

At 12:25 PM , Blogger R said...

I luuuurve your post. Natatawa ako habang binabasa ko ang post mo.
So, musta ang thesis nyo?
Hehehe kami... *pausing* (silence) *tingin sa malayo*
Ang dami ng epekto sa akin ng thesis. Lalo na yata akong na-addict sa kape. Biruin mo napakainit nagkakape ako.
Namimiss ko nang magbasa ng libro. Naiinggit ako sa tito ko habang binabasa nya yung mala-encyclopediang libro na collection ng works ni Shakespeare.
*tingin sa malayo*
Namimiss ko na rin ang magblog.
Namimiss ko na rin ang magsenti (Dyos ko! harharhar).
At leche-err matagal ko ng sinubmit kay ****2 yung rqmts ko tinext ko na, inemail ko na. Tapos ang reply lang, "K". AMF! Mukha yatang ayaw niya akong pabilin ng sablay huhuhu gusto ko ng magsuicide!!! (joke)tara, kain tayo after ng 1st draft.
UY UY malapit na feb 14. UP Fair na!!! Kebs na sa Valentines.

 
At 11:53 PM , Anonymous Anonymous said...

hala, may blog pala si miss chin! :) at yema pa talaga ang tema. oo nga sabi ni nina nakita nio daw yung bell curve at sobrang nag-covet yung lola. sabi nia sana siya na lang nakakita. hala! isumbong ba ang thesis partner! hindi, she's happy for you. :)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home