"First time mo, miss?"
"Opo."
"Ok talaga dito, mura kasi, Php200 lang, kaya nga dinadayo ng mga tao e."
Hindi ko inakalang sa Cubao ko matatagpuan ang tunay na kaligayahan. Pwede ngang masabing nasa Nirvana ako kahapon. Matatagpuan ang Nirvanang ito sa isang building sa Cubao, luma na ngunit punong-puno ng mga bagay na nakakapagbigay-aliw sa mga taong tulad ko. Sa ika-apat na palapag ng building na 'yon ay talaga namang nag-laway ako sa sobrang excitement at ligaya. Nagmistula silang mga 'pagkaing' nakaladlad sa hapag-kainan: may matataba, may payat, may mukhang bago, meron namang luma na sa katandaan. Meron ding may kamahalan, pero halos lahat--ang pinakamaganda sa lahat--ay mura.
Sa halagang Php 200 napawi na ang uhaw kong pagnanasa.
Di ako nakatiis, sampung beses kong pinawi ang uhaw na 'to.
Umalis ako ng building na 'yon na masayang-masaya't butas ang bulsa nang mahigit dalawang libong piso.
Ganon talaga siguro kapag kinakati ka....
Kapag may matindi kang pagnanasa....
drool, beybeh, drool...
....na maghanap at magbasa ng libro.Kung tunay na ligaya ang hanap mo (ok, plugging na 'to), punta ka sa National Bookstore Cubao, 4th floor, Previously owned books section. Maniwala ka, ang daming libro, halos lahat BAGO pa.
Magpakasasa ka.
(Pasasalamat kay Tin, ang aking bugaw).
4 Comments:
:D Chin! I'm so happy for you. There's nothing discovering National Bookstore, Cubao for the first time. I'm actually shocked that you haven't been there. I can vividly remember when my mom brought me there when I was in fifth grade, still drooling over Ann M. Martin's Baby Sitter's Club and all pre-teen series (Friends 4-Ever, Encyclopedia Brown, Goosebumps, Fabulous Five). Grabe, wala pang P20 yung mga books noon...I almost filled my basket to the brim! :D And headed home wheezing from all the dust...Hehehe.
Take me there! Take me there!
*jumping in excitement*
I'm really happy for you!
hehe. glad to be of service dear. anytime! ;) grabe na, SAMPUNG LIBRO!!! wahahaha! winner!!! you must be in cloud nine surrounded by those gorgeous books. i can just imagine the sweet, warm, giddy joy. samahan natin si raissa dun soon!
ina: Php20??? huwow! and you've known about it since 5th grade? lucky, lucky... true, nothing like the first time. my first time was just two months ago and i distinctly remember the wonderful pleasure of gazing around the entire floor, holding my breath and anticipating "The Finds". hehe
rye: you're a cubao natio virgin! naku, dali! tara na!
ina: grabe national cubao pioneer ka pala. sabi nung cashier yung mga books on sale sa 4th floor last year lang dinala don, so relatively new pa karamihan. hay naku can't get enough of those bargain books!
rye: hehe swerte mo lola! text-text uli kung kelan next book expedition natin!
tin: hay naku mommy bugaw, bugaw na rin ako...ni rye! at ng isa ko pang friend! pati si jenica (kaso di pa siya available). naku mas marami na'kong "alaga" kesa sa'yo! hala, mambugaw ka pa, hehe!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home