Saturday, October 8

Excellent singer

daw ako, ayon sa pamosong Magic Sing.

Totoo nga na nakaka-destress ang pagkanta, samahan mo pa ng kainan at sayawan. Pangalawang banat ko na'to sa pag-re-relax, ang una'y ang food bingeing at makalaglag-baryang shoe shopping namin ng croiful people.

Riot panoorin ang mga bossing mo na sumayaw sa Pinoy Big Brother song.

Riot makinig sa mga bakaw sa mikropono (attention: oldies!) na kumanta ng Delilah (my, my, my Delilah), Top of the World, at Dancing Queen.

Riot kumain ng baked mussels, liempo, sahog-based pansit, sangkatutak na sandwich, siomai, chicken, ensaymada, at bottomless juice (na kahit kinabukasan ng hapo'y di pa rin nauubos).

Riot maging balahura sa harap ng mga bossing mo (minsan lang naman e, hehe).

Riot umuwi ng gabi, maabutan ang baha, at lumusong sa baha pagkatapos ang nakakapagod na pagkanta at pagtawa.

Sa uulitin!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home