Ang saya saya!/Time out muna!
Katatapos ko lang ayusin ang presentation materials ni ma'am. Duling na ang mata ko sa katitingin sa graphs and figures, kaya lalo ko pang dudulingin mata ko sa pagtingin sa text. Kahit tinakot ako ni J-O-E-Y about my work, so far naman nag-e-enjoy ako dahil:
1. Ngayon ko lang tuluyang naintindihan ang mga pinagkukuha kong exams sa mga market research agencies. Clarity, kumbaga.
2. Araw ng sweldo ngayon.
3. I am surrounded with people who love research and are hard-core researchers, doing hard-core research studies in hard-core market research agencies.
4. Dati, OK lang sa'kin ang legwork sa survey research, pero after observing how it is really done in market research, masaya na'ko na ako na lang mag-analyze ng data. Sobrang hirap at hard work talaga.
5. Masayang mag-observe ng FGD! As in. Para kang nanonood ng sine, libre pa breakfast, lunch at merienda!
6. Walang feeling artista. Walang nagmamagaling-magalingan. Tinitignan talaga ang kakayahan at galing mo, hindi kung ano ang suot, hitsura o galing ng acting mo.
7. Shemps masaya ako dahil hindi PA ako nabubulyawan o namumura...
8. Lahat ng gastos mo pag umaalis ka for a meeting or field work ay sagot ng agency.
9. Napakasaya masaksihan ang mga bossing mo and to take part in a heated discussion about a project. Eto 'yung mga mind-boggling situations na kung saan parang pini-pingpong ang utak ng lahat, batuhan talaga ng ideas. And the best part is, they acknowledge and appreciate your input. Asteg.
10. Mababayaran ko na si Ma sa utang kong pamasahe sa kanya. Shemps may bagong blouse siya dahil matiyaga niya 'kong ginigising kada umaga. Sweldo day=Mother's Day! :D
Ayan, Ina, binasag ko na ang aking katahimikan. =P
5 Comments:
hay naku! korek ka na nakakapagod nga ang legwork. nag-observe ako kanina ng interview. hay naku, nakakapagod nga. mas gusto ko pa mag-analyze ng data. hehehe. sana huwag ka namang maduling! :)
5. Masayang mag-observe ng FGD! As in. Para kang nanonood ng sine, libre pa breakfast, lunch at merienda!
9. Napakasaya masaksihan ang mga bossing mo and to take part in a heated discussion about a project. Eto 'yung mga mind-boggling situations na kung saan parang pini-pingpong ang utak ng lahat, batuhan talaga ng ideas. And the best part is, they acknowledge and appreciate your input. Asteg.
Eto din mga gusto ko sa trabaho ko. At yung mga comedy acts ng respondents tipong:
"mahilig ako sa beef with mashroom"
"gusto ko maraming kaibigan kasi di ba nga sabi 'no man should live in an island ba yun? o treasure island? ay no man's island yata'"
"okay yung dishwashing liquid ko, 2-in-1 parang shooting the bird na."
joy: true! kaso mukhang kelangan ko pa rin gawin, para naman daw maintindihan ko nang mabuti, according to boss. e di legwork kung legwork, huhu...
rye: wehehe shooting the bird na nga! hay nakakaloka. naku nalalapit na rin ang oras ng aming pag-i-interview (survey and in-depth). kinakabahan na nga'ko e =/
Ngayon ko lang tuluyang naintindihan ang mga pinagkukuha kong exams sa mga market research agencies.///buti ka pa. hehehe. hanggang ngaun, windang padin ako dun sa exam ng company-that-shall-not-be-named [hi pamy! ;) ] :D
Araw ng sweldo ngayon. WAG.DUMAAN.SA.BOOKSTORES.keri? :))
I am surrounded with people who love research and are hard-core researchers, doing hard-core research studies in hard-core market research agencies.......awwww, chin. i'm so happy for you! sounds like u've found what i personally witnessed you wait, sacrifice, fight, and work so hard to find in the last months... it all paid off in the end didn't it?
Eto 'yung mga mind-boggling situations na kung saan parang pini-pingpong ang utak ng lahat, batuhan talaga ng ideas. And the best part is, they acknowledge and appreciate your input. ...astig naman! challenging, stimulating, and fulfilling... parang ok talaga yang mga kasama mo jan ah.
wala ko ma-say...GO CHIN!!! :D heehee
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home