Tuesday, August 30

Eto na.

Ito ang entry na matagal ko na gustong i-post, 'yun nga lang di pa nangyayari. Sabi ko, ano kaya magandang entry title 'pag may trabaho na'ko? Iniisip ko "Hired!" o di kaya "Unemployed no more," basta may term na "unemployed" or "employed" sa titulo. Yun pala wala man lang ka-glamour-glamour maiisip kong title.

E kasi ito talaga nararamdaman ko ngayon.

Malapit na ang Sept. 1. Bukod sa birthday ni Jenix, ito rin ang araw na gigising ako ng 6.30 ng umaga, bibiyahe papuntang Ortigas, at lalakarin ang kahabaan ng Julia Vargas Ave. Makakabisado ko na ang pasikot-sikot ng Megamall. Gagamit na rin ako ng deadly weapon na shoes. (Pero sana pwede pa rin mag-jeans, asiwa ako sa pormal-pormalang damit e). Sa ngayon wala pa 'kong pinaghahandaan, wala pa akong ideya kung ano sa dinami-dami ng natutunan ko sa CommRes ang dapat kong gamitin.

Kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung kaya ko ba ang trabaho, kung makakapag-deliver nga ba ako. Kung mami-meet ko ang expectations ng bosses ko. Kung mami-meet ng agency ang expectations ko.

Excited din ako. Kasi, finally, nakahanap ako ng trabaho sa field na gusto ko. Sana nga di ako nagkamali sa pinili kong karera sa buhay. Nakatulong din na andiyan sila Rye, Jovy, Joy at Edz sa Ortigas, meron pa ring ka-chikahan matapos ang isang nakakapagod o nakakabatong araw ng pagtratrabaho.

Hinga ng malalim. Eto na. This is it, pansit.

8 Comments:

At 4:16 AM , Blogger g'we-nah said...

im happy for you chinr! :) nahanap mo din ang inaasam-asam na trabaho...lilibre mo na kami? hehe! sana ako din makapasok sa research agency.. :) God bless sa work! miss yah!

 
At 8:06 AM , Blogger R said...

Hehehe i liked your last paragraph, Hinga ng malalim. Eto na. This is it, pansit. dahil ito rin mismo ang naramdaman ko nung first day ko sa work. This is it nga naman. Lola eto lang, hindi mo na kailangang lakarin ang kahabaan ng Julia Vargas, meron namang fx na umiikot ng Ortigas e hehehe i'm really happy for you. Kita mo na, patience is a virtue, merong plano sa iyo si God.

 
At 9:56 AM , Blogger myang said...

chin, you know that we're all behind you 100%. :) just take a deep breath, and dive in.

 
At 6:21 PM , Blogger milagrosa said...

Excitement! :) welcome to the proletariat! ;)

 
At 11:07 PM , Anonymous Anonymous said...

Chin! It has happened. Congratulations! :) Saan ba? Don't say office mates ka na rin nina Joy, Raissa, etc. Hehe.

 
At 2:26 AM , Anonymous Anonymous said...

drumroll please!!! :) congrats! wala ko masabi..hehe..ah, except, hindi ko mahanap ang CROI sa groups :( anyway, Godbless sa work at sana sa Ortigas din ako pagbalik ko! wahahah! ;)

 
At 7:05 PM , Anonymous Anonymous said...

naku mare! kung nakita mo lang itsura ko nung first day. Mukhang freshie talaga! Buti na lang katabi ko si jovy kung hindi mukha talaga akong lost. oi ha, lunch out tayong lahat one of these days! :)

 
At 11:34 AM , Blogger Yema Adik said...

salamat pips! (hehe sorry super late response). pamy, i'm now working for ipsos phils., dito din sa ortigas :)

pipol, later na lang mga updates ha? marami akong baong kwento, promise! =P

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home