nag-uwi ang kapatid ko ng isang box ng yema
Laganap na ang Erap-less MRT cards ngayon. Ito ang binibigay sa mga commuters na dulo-dulo ang byahe (e.g., Ayala-Buendia or Q.Ave-North Edsa), ginupit para di na dumaan sa slot machine. Ginupit kung san andon dati ang picture ni Erap. Hmmm...bagong gimik ng administrasyon: hindi rewriting, kundi "cutting," history.
***
Bungad (na naman) sa'kin ni Jocel pagkakita nya sa'kin last week, "O, maglalayas ka?" sabay tingin sa malaki at ever-flexible kong bag. Since college ata di pa niya 'ko nakikitang gumamit ng bag na kasinliit ng pocketbook. Mas type ko kasi ang malalaki at functional na bags. Yung tipong pag napadaan ka sa mall, at biglang, "uy, may book sale!" walang problema kung saan mo ilalagay ang nabili mong libro, plus wala pang iba pang bitbitin.
Minsan naman, halos wala talaga akong dala, binder lang tapos andon na sa loob yung notebook, ballpen, cellphone, calculator, suklay, at tissue. Nung 2nd year ko sa college, ginamit ko yung pinapamigay na pouch ng Qantas Airlines, kung san nakalagay yung toothbrush, toothpaste, ear plugs, at socks para sa mga passenger. Di pa man nauuso ang pouch sa mga lalaki, ginagamit ko na yun, kasya kasi lahat ng gamit ko don: ballpen, cellphone, calculator, suklay, at tissue. Madali pang bitbitin kasi may strap siya sa side, across the zipper. Feeling ko kasi may bulaklak ako sa tenga kapag gagamit ako ng fancy, gurlalush shoulder bags.
Naalala ko tuloy si Lourds, na mahilig mag-bag na sing-liit ng pocketbook. Imagine, kasya don sa pagkaliit-liit na bag na yon ang payong, notebook (tickler), cellphone, kikay kit, at PE shirt niya. Pati yata ref at washing machine kayang ipagkasya ni Lourds don e.
***
San ba makakabili ng posas? Kelangan ko kasi i-posas sarili ko sa bahay, otherwise lalarga na naman ako sa Makati at Cubao para lang bumili at suminghot ng libro. Kahit walang pera, alis pa rin ako para lang matignan kung ano'ng mga bagong bargain books. Favorite hobby ko na nga ang magpa-reserve ng libro na gusto ko, tapos after 3 days di ko naman babalikan. Wala lang.
***
Ngayon ko lang naranasan na ma-interview sa araw ng Linggo. Sa phone sa loob ng 10 minuto. Nang naka-tapis (dahil naliligo ako nang tumawag sila). Patulo-tulo ang tubig mula sa buhok kong may shampoo pa. Pagkatapos ng interview nagmistulang lawa ang kinatatayuan ko. (Buti na lang attentive si kuya, pinunasan agad bago pa 'ko ma-kuryente ng mga nabasang saksakan at cable).
6 Comments:
Feeling ko kasi may bulaklak ako sa tenga kapag gagamit ako ng fancy, gurlalush shoulder bags.
hahaha! gusto kong ma-jebs sa sinabi mong to! haha! :p
Ngayon ko lang naranasan na ma-interview sa araw ng Linggo. Sa phone sa loob ng 10 minuto. Nang naka-tapis (dahil naliligo ako nang tumawag sila). Patulo-tulo ang tubig mula sa buhok kong may shampoo pa. Pagkatapos ng interview nagmistulang lawa ang kinatatayuan ko.
shocks, mala-belyas ka pala habang ini-interview! hehe! :D
hahaha chin best post ever. hahaha kakatuwa ang anecdote mo ukol sa interview mo nung linggo. hehehe
-raissa
gwyn:
naku tinanong ko pa kay mama ang meaning ng "belyas." hehe! sabi nya something to do daw sa cabaret, di lang nya matukoy...hmmm ano kaya yon??? nakakaloka nga e sumakit ulo ko pagkababa ko ng phone...
rye:
salamat lola. pinagpilitan kasi ni kuya na saguting ko yung call e...ayan nagkaroon ng mini pool sa sala...hehe... ok lang sakin sept 3, kaso gusto ko na talaga kayo maka-chikahan e...
grabe chin! buti hindi nag-sizzle sizzle yung phone habang nakikipag-usap kang basa and everything. Kung alam lang nung nag-interview sau, baka hinire ka na! :)
i can relate. ako ever since elem pa ata hindi ko talaga kayang maghawak ng maliit na bag. kelangan mlaki talaga na kasya ang extra shirt, wallet, phone, book,pamaypay etc..pag nakagown lang ako napwepwersa gumamit ng tiny bags at halos pumuputok na yun sa dami ng gamit.
tsong, hindi uubra sayo ang handcuffs, rehab na yan! hehe
kung alam lang nila, ang taray pala ng lola mo sa interview! hehe. basa-sa-banyo look. ;)
sumakit nga ulo ko pagkababa ko ng phone e. kulit kasi ni kuya sabing tumawag na lang uli after 15mins, ayan tuloy nabanlawan ako ng di oras. :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home