Dear Manong (na naka-Amerikana),
Ipagpaumanhin mo kung di sinasadya'y natusok ko ang binti niyo ng dulo ng payong ko habang naglalakad ako sa likod nyo kahapon sa may Paseo de Roxas. Hindi ko po sinasadya yon. Siguro iyon ay reaksyon lamang ng aking nagmamadaling katawan dahil male-late na po ako sa aking FGD observation. Bagaman sabi ng utak ko ay magpasensya ako sa iyo, isang parte pa rin nito ang nagsasabi, "bilisan mo naman!"
At nangyari ang di dapat mangyari.
Natusok kita ng dulo ng payong (slight lang naman). Tumingin ka sa likod mo.
May nakita akong opening. (Ayos, dere-deretso na paglakad ko).
Pero namayani po ang pagiging magalang ko. Naalala mo ba, sabi ko, "ay, sorry po."
Ngumiti ka naman at nagsabing, "it's OK."
Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan sa'yo, mag-sorry uli. Baka tanungin din kita kung bakit relaxed na relaxed ka gayong lahat ng tao sa paligid mo'y nagmamadali.
Pero nagmamadali talaga ako, kaya ngumiti na lang ako, sabay lakad sa espasyong ipinagkaloob mo sa'kin na lakaran.
Sorry po uli.
Gumagalang (pero nagmamadali),
Chin
1 Comments:
ikaw ha?! crush mo si mamang-na-naka-amerikana-na-mabait noh? yiheee. siguro sinadya mong tusukin siya ng payong. hehehe, joke lang! :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home